Video Link via ABS-CBN:
Inabangan kung paano pakikitunguhan ng Pangulong Aquino at Chief Justice Renato Corona ang isa't isa sa National Criminal Justice Summit lalo't hindi nagtutugma ang posisyon ng Palasyo at ng Korte Suprema sa ilang isyu.
Pagdating, kinamayan pa ng Pangulo si Corona.
Pero nang magtalumpati na ay hindi na nagpaawat ang Pangulo sa pagbanat nito sa mga naging desisyon ng Korte Suprema.
Una ang pagdeklara ng korte na labag sa Saligang Batas ang pagbuo ng Truth Commission na mag-iimbestiga sana sa mga bintang ng katiwalian ng nakaraang administrasyon.
“Labag daw ito sa Konstitusyon ayon sa Korte Suprema. Unang hakbang pa lang natin, may barikada na agad," sabi ni Aquino.
Inireklamo rin ng Pangulo ang pagbalewala diumano ng korte sa hindi pagtupad ng mga Arroyo sa mga kondisyong kalakip ng TRO sa watch list order.
“Aba, eh naglagay ka pa ng patakaran kung wala ka naman palang balak na masunod ito? Lahat na ng proseso ay sinusunod natin ngunit sa kabila nito ay tayo pa raw ngayon ang naghahanap ng away. Sino ba naman ang hindi magdududa sa tunay nilang hangarin?” sambit pa ni Aquino.
Dito direkta nang tinira ng Pangulo si Chief Justice Corona na nakaupo lang malapit sa kanya.
Kinuwestiyon ng Pangulo ang pagkakatalaga ni dating Pangulong Arroyo kay Corona bilang punong mahistrado.
Sa kabila nito, tahimik lang na nakinig si Corona sa talumpati.
“Base sa batas na bawal magtalaga ng puwesto 2 buwan bago sumapit ang susunod na eleksyon. Ngunit pinalitan sila nang italaga ni Ginang Arroyo ang ating Kagalanggalang na Chief Justice Renato Corona. Ang tanong ngayon, lumabag ba ang Korte Suprema sa pagbabaligtad ng dating pag-unawa ng ating Saligang Batas?” pahayag ni Aquino.
Kahit harap-harapan nang binanatan, nagbigay-galang pa rin si Corona sa Pangulo.
Tumayo, kinamayan at ngumiti siya sa sinabi ng Pangulo na "wala itong personalan."
Dinig sa reaksyon ng ilang manonood ang pagkabigla sa ginawa ng Pangulo lalo na't sa isang pinuno ng isang kapantay at hiwalay na sangay ng pamahalaan.
Aminado ang Palasyo na sinadya ito at ang Pangulo mismo ang may gusto. Willard Cheng, Patrol ng Pilipino
My Comment:
Andun na ako sa paghahabol ng Gobyerno sa mga tiwaling mga opisyal ng nakaraang administrasyon (Saludo ako dun).. Pero sana lang e nilagay sa lugar.
0 comments:
Post a Comment