Miss ko na maligo sa ilog.. | Kwentong Probinsya

 

Noong bata pa ako hilig naming magkakamag-anak na maligo sa ilog minsan dalawang beses sa isang araw kung maligo kami. Anjan na yung papaluin ka ng patpat na nakuha sa tabi ng magulang mo, pero syempre may teknik para hindi masakit ang palo. Dahan-dahan ka lumapit sa papalo sayo at pag naitaas na ang pamalo tumakbo ka ng mabilis para pag inabot ka man hindi na ganun kasakit. Syempre mga bata pa kami kaya walang problema kung hubo't-hubad kami habang nagtatampisaw sa umaagos na ilig. Habulan sa tubig ang palaging laro namin, bawal ang umahon kundi taya ka na. Minsan batuhan ng ugat ng water lilly masaya kapag nakakakuha ng mahaba at matabang ugat nito dahil matagal kang mauubusan ng pang bato sa kalaban. May time na nagkakapikunan pa kaya ang ibabato sayo minsan ay tae ng kalabaw. May mga kumukuha sa gilid ng ilog ng black sand (Oo tama black sand ang makukuha mo doon sa ilog na malapit sa bahay namin) kaya may mga tae ng kalabaw ka na pwedeng gamitin na pang bato sa kalaban mo. Damo lang naman iyon kaya okay lang na damputin mo ang mga ito kahit mainit-init pa minsan. At kapag extreme na ang pikunan, ehem! alam mo na ang ibabato sayo ng kalaban mo mas matindi sa tae ng kalabaw.

Laking probinsya ako kaya miss ko na ang maligo sa ilog. Kayo anong kwentong probinsya nyo?

0 comments:

Post a Comment